Kabanata 10
O, Laura
Buod:
Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya ang muling pananambitan ni Florante at ito'y tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit siya'y sumakabilang buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante ang pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng nasa harapan na niya ito, ito'y tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng Albanya. Sa kabila ng lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ng pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ng silain ng mga leon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya ng taga ang dalawang mababangis na leon at namatay ito.
Aralin 10:
Panganib na nakaamba
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.