Florante at Laura Kabanata 11

Kabanata 11

Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon

Buod:

Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si Florante at siya'y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito'y natutulog, si Florante ay biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog.

Natakot si Aladin na sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya'y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay Florante na ang baya't sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin sa utos o batas ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante.

Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.

Aralin 11: Ang Tagapagligtas

Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.

Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.