Florante at Laura Kabanata 26

Kabanata 26

Aralin 26:

Mga Tinig ng Pag-ibig Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap. Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.

Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.