Aralin 27:
Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante.
Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.