Kabanata 1:
Kay Selya
Buod:
Si Francisco Baltazar ay sinulat ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na kung paano niya ipinaglaban ang pag–ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag niyang Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila ni Selya sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni Selya. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip, napaiyak siya nang dahil sa labis na kalungkutan. Maraming siyang katanungan subalit si Selya lang ang makakasagot. Tinuran ni Francisco na bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat nilang pag-iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.
Talasalitaan:
1. karalitaan - karukhaan; kawalan
2. hilahil - walang-wala; nagigipit;
3. yapakan – apakan; tutungan; hakbangan
4. panimdim - dalamhati
5. taghoy - managhoy; manangis; humalinghing; dumaing dahil sa sakit
6. umid - di-makapagsalita
7. ayop – paglabag; pagkakasala
Araling1:
Kay Selia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.