Florante at Laura Kabanata 2: Puno Ng Salita

Kabanata 2:
Puno Ng Salita

Buod:

Ang kagubatan ay inilarawan na madilim at may malalaking puno tulad ng higera at sipres. Bawat isa sa mga punong ito ay may mga baging na may tinik at pagkinain mo naman ang bunga nito ika’y magkakasakit. Ang mabahong amoy sa kagubatan ay sanhi rin sa mga bulaklak na nandito. Ang kagubatan ay malapit sa Abernong Reyno na pinamumunuan ni Plutong masungit at sa Ilog Kositong. Sa madilim na kagubatan na ito ay may isang lalaking nagngangalang Florante ang nakatali sa puno, inilarawan siya bilang Adonis dahil sa tindig at pangangatawan nito at kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.

Talasalitaan:
1. kangino – kanino
2. matimpi – pormal; husto
3. bulo – binti; guya; bakang maliit; bisiro
4. higerang - kapwa
5. balantok - arko
6. mapanglaw – malungkot; nagdadalamhati
7. ungos – sa taas ng bibig


Aralin 2:
Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.

Bonus: McCoy de Leon of Hashtags as Florante