Kabanata 3
Kaliluha'y Hari
Buod:
Ang magiting si Florante ay nakagapos pa rin sa kagubatan na ito ngunit walang nakatirang nimfas at harpyas na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya naman si Florante ay nagdasal na lamang sa Diyos. Ang hinaing niya ay tungkol sa mga masasamang tao na gustong maghari-harian sa kanyang bayan at ang bandilang iwinawaygayway dito. Galit na galit si Florante pati ang Diyos ay nagawa niyang sisihin kung bakit nangyayari ang mga kamalasan na ito sa Albanya. Alam ni Florante na gusto makuha ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linseo at gawing sabungan ang Albanya. Hinihiling niya na sana tanggalin ang masasamang loob na nakatira sa Albanya at bumalik sa magandang ayos ang kanyang bayan.
Talasalitaan:
1. uyamin – kutyain
2. tinangis– sigaw; umiyak; tawag
3. lugami – manghina; pagod
4. lilo – samsamin; taksil
5. dusta – pag – alipusta; insultuhin
6. pita - kahilingan
7. niri – isang bagay na malapit sa iyo; ngayon palang nangyayari ang isang bagay
8. tarok – pagkakaunawa; pagkakaintindi
Aralin 3:
Pambungad na Tagpuan
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.