Kabanata 4:
Ang Panigbugho
Buod:
Si Florante ay nagdudusa pa rin sa madilim na kagubatan. Pag siya ay nahihirapan na, siya ay nagdadasal na lamang sa Maykapal. Sa kanyang dasal sabi ni Florante na lahat ng hirap at sakit tatanggapin ko, ipaalala mo lang kay Laura na may nagmamahal pa sa kanya. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang madilim at malungkot na kagubatan ay mas lalo naging malungkot dahil sa nangyari kay Florante.
Talasalitaan:
1. laot – mataas na dagat
2. gunamgunam – diwa; layunin
3. mandin –tila; wari; para
4. apuhap – humana; sikaping matamo
5. suyo - ligawan
6. hapis – masidhing kalungkutan
7. nahan - saan
8. lungayngay – nalalanta; sampay; bitin
9. pili – ikirin; tirintasin
Aralin 4:
Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.