Florante at Laura Kabanata 5: Halina’t Laura Ko

Kabanata 5:
Halina’t Laura Ko



Buod:

Si Florante ay galit na galit pa rin kay Laura. Pero pagmamahal pa rin ang namayani sa puso ni Florante. Hindi niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Si Florante ay laging inuutasan ng ama ni Laura. Pag aalis si Florante si Laura ay malulungkot at iiyak; itatahi niya ang sirang plumahe nito at ayaw na ayaw niya masugatan si Florante sa pakikipaglaban. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.

Talasalitaan:
1. baluti – ginagamit sa pakikipaglaban; pang proteksyon sa kalaban.
2. gurlis – bugbog; pasa; galos; gasgas
3. tugot – paghinto; pagtigil
4. dini – dito
5. upandin – nasa ayos
6. sawata – abala; hadlangan
7. lingap – awa; habag
8. dalita – hirap
9. kalis – espada; sable
10. tunod – palasong maigsi; kislap
11. yukyok – itago
12. supil – disiplina; patnubayan

Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal

Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.


Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.