Kabanata 6:
Pagdating ni Aladin sa Gubat
Buod:
Si Aladin ay nagkataong dumating sa kagubatan, siya ay isang gererong nagmula sa siyudad ng Persya mula siya sa mga lahi ng Moro. Si Aladin ay naghahanap ng punong pwede mapagpahingahan. Umupo siya sa puno at siya ay umiiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Si Aladin ay tumigil sa pagiyak at inalala ang nararamdaman para kay Flerida, ang babaeng pinakamamahal ni niya. Ngunit si Flerida ay inagaw na ng kanyang sariling ama. Lahat gagawin ni Aladin para bumalik lang sa kanya ang kanyang pinakamamahal na babae na si Flerida. Hindi niya gagalangin ang umagaw sa kanyang minamahal at ihahalintulad pa niya ang kanyang sarili kay Marte, ang diyos ng digmaan
Talasalitaan:
1. daop – yakapin
2. yakagin – mag-anyaya; tawagin ang pansin; pumarito
3. nasok – tumuloy; pumasok
4. yurakan – humakbang; lumakad
5. linsil – ligaw
6. tatap – unawain
Aralin 6:
Magandang Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.