Kabanata 7:
Duke Briseo: Ang Amang Nagmamahal
Buod:
Si Aladin ay nakarinig ng isang taong umiiyak, sinundan niya ito at nahamangha siya sa nakita niya. Nakita niya si Florante na umiiyak habang nakatali sa puno. Umiiyak si Florante dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pinatay ni Konde Adolfo ang ama ni Florante. Sabi ni Florante ang mga kaibigan pa daw ng kanyang ama ang tumaksil sa kanya, naghati sila sa dalawang grupo, isa sa mga kakampi at yung isa sa mga tumaksil. Napagalaman pa ni Florante na hindi nabigyan ng magandang libing ang kanyang ama. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan pa rin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.
Talasalitaan:
1. baling - pihit; palit; liko
2. humibik - mahinahon; di-lasing
3. tabak – bolo; espada
4. sukab – traydor
5. napatid – nabali
6. mapagkandili – mapagsamantala
7. namaang – nagtaka
Aralin 7:
Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.