Kabanata 8
Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Buod:
Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya'y namangha kaya naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo.
Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali.
Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.
Aralin 8:
Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.