Kabanata 14
Nahubdan ng Balatkayo
Buod:
Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak simula ng siya'y ipinadala ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong si Antenor. May nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo ang anak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si Adolfo't si Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang isang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito'y laging patungo at mabinining mangusap at walang katalo, lapastanganin man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga kaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang maestrong si Antenor ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang bait na hindi paimbabaw ito'y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigat ang loob ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ng pilosopiya, natutunanrin niya ang astrolohiya at ang matimatika. Ang pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay naiwan sa gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala. Siya na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng pangalan ni Florante. Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral na nagbibinata, iba't iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawan na naaayon sa musika't awit na mapakikinggan. May laro ring buno't arnis na kinaitaan ito ng kanilang liksi't karunungan.
Aralin 14:
Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.