Florante at Laura Kabanata 15

Kabanata 15
Nasalag ang Dagok



 Buod:

Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante. Si Florante ay gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese at anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman ay gaganap bilang si Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nang isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa kanya ay wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw niya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at sinabi rin niya na dapat lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalang patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya'y natumba buti nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng pangyayaring ito hindi na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon pa ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng kanyang ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na naramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng mabasa niya ang liham na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya'y magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang mata'y hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na namatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong sandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman ang ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito.

 Aralin 15:
Laki sa Layaw

 Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.


Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.

Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks