Kabanata 16
Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante
Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya.
Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya't aliw si Florante sa Atenas simula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa't isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.
Aralin 16:
Nahubdan ng Balatkayo
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.