Kabanata 17
Ang Heneral ng Hukbo
Buod:
Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay kinubkob ng mga Moro na pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya, ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng kilala sa buong mundo. Si Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung magkatotoo raw ito ay marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang tao na matapang kung ang kalaban ay takot sa kanya at sinabi rin ni Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkol sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad ang isnag gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito ninanais sa laki raw ng dusa na kanyang natatamasa.
Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang kanyang anak na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya'y walang sagot na naisabi kundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng Albanya.
Aralin 17:
Nalulumbay na Puso
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.