Florante at Laura Kabanata 18

Kabanata 18
Patay o Himala

 Buod:

Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura. Nagkakilala sila ni Laura ng siya'y inimbitahan ni Haring Linseo sa palasyo tungkol sa hukbo na kanyang pamumunuan. Nakilala niya ang isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa kanilang mga buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo na pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya masasaktan. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ni Laura at naisip niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang paglagapak kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain na nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya sa lahat ng bagay. Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahon lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng kanyang pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari ng palasyo real si Florante. 

Aralin 18:
Paalam, Bayan ng Atenas

 Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.