Florante at Laura Kabanata 19

Kabanata 19
Perlas sa Mata'y Nunukal

 Buod:

Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito'y higit pa raw sa naunang dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago umalis ang hukbo ni Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya ito ng mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang matinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng matamis na oo may mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban ang hiyang perlas na sa mata'y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-alis ni Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante na masagot bago siya umalis tungkol kay Laura. Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon naglaban ang dalawang kampo at ito'y umabot ng limang oras hanggang sa mapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalik ay parang nagluksa ang langit.

 Aralin 19:
Sa Bayan ng Crotona

 Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.


Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.