Florante at Laura Kabanata 20

Kabanata 20
Krotona'y Nagdiwang

Buod:

Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo real at doon sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ng Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ng kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga.

Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang hindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong hari nakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli, kaya dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo'y walang lubos na katuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problema parin ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad parang hindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad sa Albanya.

 Aralin 20:
Kagandahang Walang Kawangis

Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.


Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.