Florante at Laura Kabanata 21

Kabanata 21
O, Sintang Florante

Buod:

Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita nila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa kamay ng mga Moro at ito'y nakagapos at pakiramdam nila ito'y pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil nangangamba siya na ito'y si Laura.

Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang mapagbubuntungang galit inalis niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang kanyang hinala na ito'y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni Emir si Laura ay sinampal niya ito.

Kinalag niya ang gapos na lubid sa kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang magandang balat nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni Laura at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang Haring Linseo at ang kanyang ama ay nasa kulungan agad siyang pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring Linseo, ang kanyang ama at si Adolfo.

Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng kanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay nagdadalamhati sa tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si Floranteng tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas na hari sa palasyo real.

Aralin 21:
Pangarap na Pagibig

Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.

Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.