Kabanata 22
Silu-Silong Sakit
Buod:
Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng Albanya dahil may isang dumating na isang hukbong maninira na taga-Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik sa bayan ng Albanya lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging pinuno ng hukbo, hindi niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng sulat si Aldin na galling sa kanyang ama na siya'y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at nahulog siya sa patibong na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang kanyang ama at ang pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa pagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang kamatayan at gabi na noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isang napakalaking puno upang doon ay makagat ng mga gumagalang hayop.
Aralin 22:
Tagumpay at Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.