Florante at Laura Kabanata 23

Kabanata 23
Kawawang Aladin

 Buod: Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Binalak siyang papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi mapatay si Aladin kung kaya't pinaalis na lamang siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik sa Persya. 

Aralin 23:
Pag-ibig na Pilit

 Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.” Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.


Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.