Hatinggabing Kadiliman
Buod:
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang dalawang babaing nag-uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura naman ay hindi tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya't dinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan subalit dumating si Flerida at siya'y iniligtas. Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman nitong hindi nagtaksil sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nang dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang Albanya.
Aralin 24:
Patibong ng Taksil
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.
« Kabanata 23 -- Kabanata 24 -- Kabanata 25 »