Florante at Laura Kabanata 9 Ang Morong Nakikinig

Kabanata 9
Ang Morong Nakikinig

 Buod:
Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agad niyang naisip ang kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parang ikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama sa ama ni Florante kung paano ito mag aruga ng isang anak.

Ang ama ni Aladin ay kilala niya bilang isang sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at nais ng kanyang ama na lumubog siya sa dusa at siya'y mamatay. Namatay ang kanyang ina ng siya'y isinilang kaya naman ang kanyang ama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki nitoay pawing dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.

Aralin 9:
Amang Di Dapat Pamarisan

Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Basahin ang iba pang buod ng bawat kabanata ng Forante at Laura dito.


  « Kabanata 8 -- Kabanata 9 -- Kabanata 10 »